PLAKA
Halina sa Parokya ng Parokya ni Edgar
ni Ina Andolong
Nadiskubre ko ang talento ng Parokya ni Edgar (PnE) sa maling pagkakataon – kung kailan ko pa talaga naisipang magbago at magpakabait. Ngunit iyon mismo ang naging dahil sa aking pagkabilib sa kanila: liban sa aking paglalakbay tungo sa mundo ng mababait, hindi ko pa rin naiwasan ang hindi matawa at maaliw sa kanilang kakulitan.
Sa ikalima nilang album na Halina sa
Parokya, ginamit ng PnE ang mga palabas tulad ng Batibot, Sesame Street, Anime
at wrestling bilang kanilang material para sa kanilang mga pagpapatawa. Tulad ng
iba pa nilang mga naging produkto, hindi maaaring pabayaan na lamang ang mga
bata sa pagkikinig nito dahil sa laman nitong mga “kalokohan” at ilang
suggestive language na para sa lamang sa mga makakaunawa ng mga ito.
Talagang mapagkakatiwalaan ang numero unong spoofers ng Pinoy pop culture
na mga ito sa pagbibigay ng kasiyahan sa ating mga problemdong buhay sa
pamamagitan ng musika. Sa album na ito, 16 na kanta ng kalokohan (halos lahat J)
ang inihanda sa atin ng tinataguriang Pambansang Banda ng Pilipinas. Tulad ng
dati, para lamang ito pakikinig sa sarili nating nakakainis ngunit nakakatuwang
mga barkada.
Hindi kong maiwasang tumawa dahil sa mga titulo ng mga kanta sa Halina sa Parokya:
Walang Nangyari > isang ala-Andrew E na estilo ng pagkanta tungkol sa pagiging bored dahil sa pagtambay sa bahay
Papa Cologne > nakakatuwang kantang satiriKal na tila advertisement ang dating tungkol sa amoy na makakaakit ng kahit sinong babae
Mang Jose > tungkol sa isang superhero na si Mr. Rent-a-Superhero na sasagipin ka ng may kapalit na bayad
Telepono > istorya ng kalungkutan na may halong katatawanan na paguusap ng isang babae at lalake kung saan hindi inaasahang marinig ng lalake na buntis pala ang babae
Kayang-kaya Kaya? > isang panggagaya tungkol sa isang segment ng Batibot kung saan mimumungkahi ang isang “kaya mo gawin ang lahat” na paniniwala
Kahit ang mga inaakalang mga seryosong kanta ay hindi mapapalampas ng mga linyang malayo sa kaseryosohan tulad ng “Parang awa mo na/ Huwag kang magpapa-akit sa ‘kin” mula sa kantang Para sa ‘Yo. Ilan sa mga kanta’y tumutugma rin sa temang “kwela back-to-eskwela” tulad ng Bagsakan na ginamit na inspirasyon ang Bulagaan ng Eat Bulaga at ang First Day Funk, ang sikat na deodorant jingle na ipinaplabas sa telebisyon.
Ang Halina sa Parokya ay isa nanamang patunay sa kakayahan ng PnE na daanin sa katatawana ang halos kahit anong problema na pinagdaraanan nating mga Pinoy. Isa ring itong patunay na maliban sa pagiging magaling, ang pagiging iba ay may natutumbasan ding kakaibang tagumpay.
ANG PALIGSAHAN NG MGA PALIGSAHAN
ni Bianca Marie Teodoro
Hindi niyo ba napapansing sikat na sikat ngayon ang mga kompetisyon
sa kantahan? Kung noo'y ang sikat ay ang pagkapanalo ni Nora Aunor, ngayon nama'y
kung ano-anong paligsahan ang nagsulputan, at ang pinakasikat sa mga nagwagi ay
si Sarah Geronimo. Mula sa paligsahang Search for a Star si Sarah. Galing
siya sa isang simpleng pamilya, at kung ikukumpara sa ibang pasikat na dalaga,
hindi artistahin ang mukha niya. Nagkataon lamang na maganda ang boses niya, na
maaaring maihambing kay Celine Dion at Regine Velasquez. Ang pagkapanalo niya
ang nagbigay pag-asa sa ibang may angking talento sa pag-awit, na kahit isang simpleng
nilalang ay maaaring sumikat, basta't handa siyang sumali sa isang paligsahan.
Dahil din sa mga paligsahang ito ay muling sumikat ang mga lumang
kanta. Nakilala ng kabataan ang This Is The Moment, na may rebisyon ni
Erik Santos. Dati?y ang mga matatanda lamang ang nakakaalam nito. Pati ang hindi
sumikat na Come On In Out Of The Rain na muling inawit ni Sheryn Regis
ay pumatok sa masa. Ngunit, ika nga ng kasabihan, may mabuti at may masama. Marahil
ang masamang dulot ng mga paligsahang ito ay, dahil sa patuloy na pagkanta ng mga
kasali sa mga lumang kanta, at pagbibigay nila rito ng bagong bersyon, ay hindi
na gaanong tinatangkilik ang isang orihinal na komposisyon. Lagi nang hinahanap
ang revivals. Ibang klase na talaga ang labanan sa telebisyon ngayon. Sa lagay nito'y lumalabas na ang layon ng mga magkakakumpitensyang istasyon sa telebisyon - na manalo sa tila'y isang paligsahan ng mga paligsahan. Kung kaninong manok ang siyang sisikat sa masa ay siyang panalo. Sa ngayon ay lamang na lamang ang ABS-CBN dahil nasa puder nila sina Geronimo, Santos, Regis at Bautista. Makabawi kaya ang GMA? Abangan sa mga susunod na araw.
ANG TAMBAYAN NG MGA WALANG MAGAWA ni Lark Melody Catanghal Kapag may nauusong kanta,
madalas ay kaagad-agad nating inaalam ang mga nakapaloob rito- ang mang-aawit,
ang liriko, at ang mensahe o layunin nito. Madalas ay sa pamamagitan ng internet
natin madaling natutuklasan ang mga nais natin malaman tungkol sa isang awit, at
madalas rin ay nagkakaroon tayo kaagad ng kopya ng awitin sa pamamagitan ng
pag-download sa mga ito. Kung tutuusin, karamihan sa atin ang mas nanaising mag-download
na lamang kaysa bumili ng mga orihinal na cd. Una, dahil mas nakakatipid at
pangalawa, nagagawa nating piliin ang mga kantang gusto talaga nating
mapakinggan. Dahil dito,humihina ang industriya ng musika, hindi lamang ng ating
sariling bansa, kundi pati ng buong mundo. Nauso ang pagkalat ng mga piniratang
plakang mabibili sa napakababang halaga habang nakukuha ang halos pantay na
satispaksyong makukuha sa pagbili ng orihinal. Ngayon, madalas nating maririnig
ang mga katagang "Stop piracy. Buy the original" o di kaya'y "Piracy is a
crime." Sa inyong palagay, mayroon pa kayang mga Pilipinong nagpapahalaga sa
pagpapayaman at pagbabalik buhay ng indutriya ng musikang Pilipino? Sa inyong susunod na pagbisita
sa cyberspace, subukan ninyong bisitahin ang tambayan ng mga walang
magawa, ang
Maraming epekto ang kanyang pagsikat. Isa na rito ang pagbibigay
daan para buhayin ang namatay na sining ng paligsahan. Matatandaang noong mga panahon
ng pagkapanalo ni Sarah ay sumulpot din ang American Idol, isang paligsahan
sa Estados Unidos para sa mga mang-aawit na wala pang kontrata sa karera ng musika.
Dahil sa paligsahang ito, sumikat sina Kelly Clarkson, Fantasia Barrino at
Carrie Underwood. Sa Pilipinas nama'y namayagpag si Erik Santos sa Star in a
Million, kung saa?y nakalaban niya sina Christian Bautista at sina Sheryn
Regis.
Matapos makapili ng kanta, lalabas ang mga titik nito kasabay ang tugtog. Kaya't maaaring sumabay sa pag-awit o 'di kaya'y piliin ang "karaoke mode" upang lalong madama ang pag-vivideoke. Makikita rito ang iba't ibang awitin mula sa iba't ibang banda, vocal group at mga indibidwal na mang-aawit. Sa pamamagitan ng site na ito, nagagawang mai-promote ang musikang Pilipino. Naipakikilala nito ang ilang awiting hindi gaanong nabibigyang pansin ng ating mga pandinig at dahil mas naiintindihan natin ang awitin dahil sa malinaw na pagprisinta ng mga liriko, mas nabibigyan natin ng pagpupugay ang mga mang-aawit at ang awitin mismo.
HILERA, NANGUNGUNA!
ni Lark Melody Catanghal
Mula sa Kalayaan College, HILERA ang kinilalang pinakamahusay na kolehiyalang banda sa dinaos na kauna-unahang Nescafe Soundskool: Battle of the Best College Band Competition. Upang makipagbigay muli ng pagkakataon sa mga nagnanais sumikat at mabigyang pansin ang kanilang galing sa pagtugtog at pag-awit, inulunsad ng Nescafe ang isang kompetisyon ng mga banda na naganap noon lamang nakaraang Sabado ng gabi,ika-24 ng Setyembre sa Philsports Arena (Ultra). Mula sa screening o elimination round, siyam ang napiling banda na nagmula sa iba't ibang Unibersidad at Kolehiyo ang nagpakitang gilas para sa titulong “Best College Band,” kasama ang isandaan at limampung libong pisong papremyo at recording contract sa EMI.
Bukod sa Kalayaan College, ang mga nagsipaglahok, pinalad na makaabot sa finals at mga handa ng sumikat ay ang mga banda na mula sa (Firelane) Pamantasan ng De La Salle, (Carpe Diem) St. Jude College, (Wake Up your Seatmate) College of St. Benilde, MAPUA Institue of Technology, Pamantasan ng Ateneo de Manila, Jose Rizal University, University of Asia and the Pacific at iba pang pamantasan. Bilang pagkilala at pagsuporta sa mga Pinoy bands, nag-perform din ang ilan sa mga sikat at maiinit na banda ng henerasyon ngayon, gaya ng Orange and Lemons, Cambio, Kamikaze, Spongecola, Hale, Sugarfree, Paraokya ni Edgar at Bamboo. Kasama rin ang dalawang pinakasikat at pinakamagaganda at magagaling na solo performs na sina Barbie Almalbis at Kitchie Nadal.
Itinanghal ang ADHEA, isang banda mula sa Pamantasan ng De La Salle bilang “texters’ choice” dahil sa 18000plus votes na natanggap nito, na lamang lamang ng 200 votes sa sumunod na banda, ang Firelane. May ilan ring pa-raffle para sa mga manonood at ilang freebies ang kasama sa tiket na nagkakahalaga ng limampung piso.
THE COMPANY: DALAWAMPUNG TAONG PAGBUHAY SA MUSIKANG PILIPINO
Ayon sa nakalap ko sa website ng grupo, ang The Company ay inulunsad noong Hulyo 1985 ng mga nagsipagtapos ng Ateneo College Glee Club. Ngayon ay dalawampung taon na sa industriya at nagpapatuloy pa rin. Una silang kinilala bilang mga backup vocalists ng mga sikat na mang-aawit ng 80’s tulad nina Gary V., Kuh Ledesma at Martin Nievera bago napagpasyang tahakin ang makabuluhang daigdig ng musika bilang isang propesyonal na vocal group. Kilala sila bilang mga mang-aawit na nagbibigay buhay at kulay sa iba’t ibang uri ng musika: pop, mainstream jazz, dance, R&B, acapella, novelty folk, Brazilian, gospel electronica, rap, smooth jazz, musical theatre at iba pa.
Bilang
pagkilala sa kanilang natamong tagumpay dalawapung taon na ang nakalilipas,
naglunsad sila ng iba’t ibang pagtatanghal at naglabas ng bagong album ang
The Company The Anthology na mayroong 29 cuts. Kabilang dito ang mga awiting
NowTthat I have You, Pakisabi Na Lang, Ang Huling El Bimbo, Baka Ikaw at ang
GMA Kapuso Jingle. Kung mapapnsin, karamihan sa mga awiting kasama sa album
ay mga revivals, na siguradong binigyan nila ng bagong karakter na naaayon sa
hulma at katauhan ng grupo.
Ang kantang Pakisabi Na Lang ay isa sa mga kinikilalang “signature love songs” ng grupo. Ito ay isang awitin ng mga kulang ang lakas ng loob na aminin sa kanilang minamahal ang tunay na nilalaman ng kanilang puso. Ito’y isang awitin na nagpapakita na ang umaawit ay wala ng hinihiling na ano pa man at ang tanging nais lamang ay maipaalam sa kanyang minamahal ang kanyang nararamdaman. Ito ay isang tipikal na awiting Pinoy; isang awit ng pagpapakamartir, pagiging torpe at pagkakaroon ng di-sapat na lakas ng loob sa pag-amin at pagsabi ng totoong dinaramdam. Kasama sa mga “signature love songs” na mga ito ang mga awiting Muntik na Kitang Minahal, Hindi Na at Baka Ikaw. Ayon sa kanila, ang mga ganitong uri ng love songs at mga awitin ang nais nilang bigyan ng pokus sapagkat nais nilang isalaysay ang mga kadalasang nararamdaman ng mga ka-edaran nila na hindi madaling ipadama o ipakita sa ibang tao.
Ang grupo ay binubuo nina Moy Ortiz (tenor 2/baritone), Annie Quintos (soprano/alto), Reuben Laurente (tenor), Cecile Bautista (alto), Andre Castillo (tenor 2/baritone) at Sweet Plantado (soprano).
PLUMA
Sa inyong palagay, nakakabuti ba o nakakasama sa industriya ng musikang Pilipino ang mga paligsahan sa pag-awit? Sinagot ito ng mga patnugot.
Bianx: Nakakabuti iyon sa nakararami, dahil mas dadami ang matutupad na pangarap. Lalaki ang tiwala ng mga Pilipino sa mga sarili nila dahil kahit isang simpleng nilalang na tulad ni Sarah Geronimo ay maaaring manalo at magkaroon ng magandang buhay. Pero sana, magkaroon ng sariling kanta ang mga mang-aawit na ito.
Lark: Samu’t saring mga paligsahan sa pagkanta ang maya’t mayang nagsusulputan. Sa telebisyon, sa radio, sa mga malls at kung saan-saan pa. Itong mga paligsahang ito ay nagsisilbing bukas na pinto sa mga taong may angking galing sa pag-awit na nakakapagbigay ng pag-asa at naghahain ng oportunidad upang makilala at makibahagi sa pagpapayaman ng industriya ng musika. Kung ating mapapansin, tila yata hindi nauubusan ang bawat t.v. network at iba pang mga kumpinya ng iba’t ibang programa na mayroong iisang tema: ANG PAGKILALA SA ISANG MAGALING NA MANG-AAWIT mula sa mga ordinaryong kumpol ng mamamayan. Sa aking palagay, maganda ang layunin ng mga paligsahang ito, dahil hindi lamang nila natutulungan sa pinansyal ang bawat kalahok, bagkus binibigyan pa nila ng pagpapahalaga ang mga kakayahan nito at mas nabibigyang buhay ang industriya ng musikang Pilipino. Subalit sa aking palagay, dahil sa sunud-sunod ang mga ganitong uri ng paligsahan, nawawalan ng saysay ang lahat. Sunud-sunod rin ang pag-usbong ng mga bagong mukha at boses sa industriya, kaya’t hindi lahat ay napagtutuunan ng pansin at ang iba’y nababalewala rin. Sandali lamang ang pagtayo nila sa pedestal kaya’t sa susunod na minuto, mapapabilang na lang sila sa mga minsang bumuhay sa mundo ng musika.
LA-LALA-LALA
Ang bahaging ito ng babasahin ay para sa mga paboritong awitin ng mga patnugot.
Para kay Bianca: HIMALA, na inawit ni Pido.
Napili ko ang kantang ito
dahil kanta ito ng mga torpe. Aminin na nating likas sa pagiging binatang
Pilipino ang torpe, kaya't minsan ay hindi alam ng babae kung nanliligaw na ba
ang lalaki o hindi pa. Sanay na sanay tayong mga Pilipino sa kultura ng
katorpehan, at naniniwala rin tayong mas maganda kung torpe ang isang lalaki.
Doon natin makikita ang sinseridad niya sa panliligaw.
Para kay Lark: GISING NA, na inawit ng Parokya ni Edgar
“Mababa ung boses” – ito ang pagpapaliwanag ng grupong Parokya ni Edgar sa awitin nilang ito. Mapapansin nga ang napakababang tono ng kanta, subalit iyon ay nababalewala na lamang dahil sa nilalaman nitong mensahe. Mahusay ang pagkakapili ng mga salitang ginamit – simple ngunit direct to the point. Nais umamin subalit hindi kaya. Pinagpaliban ang pagkakataon dahil sa kaba at dahil sa kawalan ng lakas ng loob na magsabi ng tunay na nararamdaman. Tunay na isang napakagandang awiting nagsasalarawan ng mga karanasan ng mga tao sa pag-ibig.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa banding PnE, bisitahin ang kanilang website: www.parokyaband.com
Para kay Bea: KAHIT PA, na inawit ng Hale
Napili ko ang kantang “Kahit pa” ng Hale para sa linggong ito dahil sa magandang mensahe ng liriko at maganda nitong tunog. Para sa lahat ng may gusto ng kantang ito mag-enjoy kayo sa pag-awit ng mga lyrics nito! Tuluyan niyo pong tangkilikin ang musikang Pilipino!
Para kay Ina: KAILANGAN KITA, na inawit ng Orange and Lemons
Ang bandang Orange and Lemons ay isa sa mga pinakainaabangan sa mga bandang local na maaaring ikumpara sa ilang mga new wave groups tulad ng The Smiths. Talagang kakaiba at angat ang grupong ito sa mga kasalukuyang bandang Pinoy. Napasikat na nila ng ilang mga kanta tulad ng Hanggang Kailan, ang kanilang unang kantang napatugtog sa radio at ang sikat na sikat na Pinoy Ako na ginagamit rin sa reality shows na Pinoy Big Brother.
Ang Kailangan Kita ay isa sa mga kanta sa una nilang album na Love in The Land Of Rubber Shoes and Dirty Ice Cream. Hindi man pareho ang atensyon na nakuha ng album na ito sa Strike While The Iron is Hot, hindi makakaila na pareho ang galing at husay ng dalawa. Karapatdapat rin bigyan ng atensyon ang ilang mga kantang nakaligdaan mula sa una nilang album.. Kaya heto, isa sa mga paboritong kong kanta mula dito, sana’y magustuhan rin ninyo.
WISH KO LANG
mga hiling na pinagbigyan ni Bianca Teodoro
Nakatanggap kami ng isang pakiusap mula sa isa sa aming mga kaibigang si Leola. Isa rin siyang mag-aaral sa La Salle, at isa siyang tagahanga ni Christian Bautista. Nanghihingi siya ng larawan ng magaling na mang-aawit na ito. Dahil sa hiling mo, Leola, at sa napipintong kaarawan mo, naisip naming pag-ibayunin ang larawang ibigay sa iyo. Heto na ang pinagandang larawan ng paborito mong si Christian Bautista.

NARITO PA ANG IBANG RIKWEST:
I love HALE!!!!!!!!!Please feature them in your next issue!!!Hale rules!! – Anna
Patnugot: Anna, susubukan namin. Alam naming maraming tao ang nahuhumaling sa musika ng Hale ngayon. Huwag kang mag-alala, susubukan naming kumuha ng kahit anong impormasyon sa kanila. Sa ngayo'y sana magustuhan mo ang liriko ng Broken Sonnet, ang una nilang nilabas na kanta, at sa aking palagay ay ang pinakamaganda nilang awit.
And now I concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And in this next line
I’ll say it all over again
That I love you, I love you.
I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘Cause tonight I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.
Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.
The clock on the TV says 8:39 PM
It’s the same, it’s the same
And in this next line
I’ll say it all over again
That I love you, I love you.
I don’t care what they say
I don’t care what they do
‘Cause tonight I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.
Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.
I’ll leave my fears behind
‘Cause tonight I’ll be right at your side.
Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.
But still I see the tears from your eyes
Maybe I’m just not the one for you
I love Spongecola!!!!! Salamat sa pag-feature sa kanila! Keep up the good work!! – jayne
Pa-request po na ilabas ang lyrics ng “Gemini” ng spongecola! Thank you! – maribelle
Patnugot: Walang anuman, Jayne. Maribelle, alam mo bang isinulat ni Yael ang kantang iyan para sa musikal na bersyon nila ng kwento ni William Shakespeare na Romeo and Juliet? Narito ang liriko ng kantang Gemini.
come a little closer
flicker in flight
we'll have about an inch's space
but i'm here
I can breathe in
what you breathe out
let me know if i'm doing this right
let me know if my grip's too tight
let me know if i can stay all of my life
let me know if dreams can come true
let me know if this one's yours too
coz' i see it
and i feel it right here
and i feel you right here
the vacuous night
steps aside to give meaning
to gemini's dreaming
the moon on its back
and the seemingly
veiled room's lit
by the same star
Request ko lang po na i-feature ang cueshe sa susunod niyong isyu, maraming salamat! – Raymond
Patnugot: Hayaan mo, Raymond, at susubukan namin!
MGA PATNUGOT
Isang magandang araw sa lahat ng aming mambabasa!
Para sa lahat ng mga mahilig sa musika, bata man o matanda, Pinoy o hindi, siguradong mayroong maihahandog ang Musik101 para sa inyo! Di tulad ng ibang magasin tungkol sa musika, ang bawat isyu at tatalakay ng iba’t ibang genre, mula sa Hip Hop, Jazz, Reggae, Rock, OPM at iba pa. Kaya huwag mag-alala dahil gagawin namain ang lahat para maibigay sa inyo ang inyong mga gusto at hinahanap sa isang magasing pang-musika.
Para sa unang isyu ng Musik101, wala nang masgaganda pa sa pagsimula sa paglathala ng sarili nating musika, ang Original Pinoy Musik (OPM). Mula sa La-Lala-Lala (paboritong kanta ng mga patnugot sa kasalukuyang linggo), Sa Himig ng Panahon (tinutukang musikero), Plaka (kritisismo sa isang album) at iba pa.. Lahat ay tututok sa OPM.
Sana ay magustuhan ninyo ito.
Salamat sa pagbasa o pagbisita sa amin.
-Mula sa Lipon ng mga Patnugot ng Musik101
Punong Patnugot: Bianca Marie Teodoro
Ikalawang Patnugot: Ina Andolong
Punong Manunulat: Lark Melody Catanghal
Ikalawang Manunulat: Bea Tuazon
KILALANIN NATIN SILA NGAYON!
Nabasa niyo na ang ilan sa kanilang mga artikulo, ngayo'y kilalanin natin ang mga manunulat na mahilig sa himig at liriko.
Bianca Teodoro
Si Bianca, o Bianx sa kanyang mga kaibigan, ay dise-nuwebe anyos at nag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle. Mahilig siyang magsulat at magbasa ng mga aklat ukol sa pilosopiya at relihiyon. Bagama't interesado sa medya, hindi mahilig manood ng telebisyon o pelikula si Bianx. Bagkus ay nakukuha niya ang mga "mahahalagang impormasyon" at pag-aliw sa radyo, internet at iba pang babasahin. Bukod dito, mahilig manood ng basketball si Bianx. Isa siya sa milyong-milyong tagahanga ng koponan ng Barangay Ginebra sa PBA, at ang paborito niyang manlalaro ay si Jayjay Helterbrand. Ang kadalasang pinakikinggan ni Bianx ay mga kantang rock, tulad ng mga kanta ng Aerosmith, Pray for the Soul of Betty,
Queen (mahal na mahal niya ang nasirang si Freddie Mercury) Bamboo at SugarFree.
Kung nais niyong malaman ang iba pang bagay tungkol sa kanya ay basahin niyo na
lang ang kanyang
blog.

Bea Tuazon
Ako ay si Bea Tuazon, asa pangatlong taong pag-aaral na ako sa De La Salle University. Ang kursong aking pinag-aaralan ay PHM-MMG (Philippine Studies Major in Mass Media at Marketing Management). Ang isyung ito ay ang una sa pitong ilalabas ng aming grupo. OPM o “Original Pinoy Music” ang tema naisipang namin gawin sa isyung ito. Sana magustuhan ng mga mambabasa ang aming mga artikulo sa iba’t-ibang mga banda na patuloy ipinapakita na tuluyang tumataas ang kalidad ng industriya ng musika.

Lark Catanghal
Ako si Lark Melody Catanghal. Nag-iisang babae sa apat na magkakapatid. Labing siyam na taong gulang. Mag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle. Kaibigan. Kadaldalan. Autistic (sa napakagandang paraan). Nabubuhay ng walang kasama. Hindi nakakatagal sa harap ng computer maliban na lamang kung marami talagang kailangan gawin. Mas nakakagawa ng mabuti pagmalapit na ang deadlines. Napepressure pero madalas ay relaxed pa din. Nakukuhang matulog ng maaga, pero nahihirapang gumising ng maaga. Tinaguriang “OC-OC” “sleepy head” at “gluttonic baby” dahil sa pagkakahilig sa pag-ayos ng mga gamit, pagtulog at pagkain. Maganda. Mabait. Kagalang-galang. (Wag ng kokontra mga tao! Ü). Mahilig kumanta, sumayaw, magpaka-auti at matulog ulit at kumain ulit. Maraming itinatago—emosyon, problema, kagalakan at kung anu-ano pa. Maraming kaibigang mahal ko at mahal ako. Sawa ng mag-react sa mga kaguluhan ng mundo dahil paulit-ulit lamang ang mga nangyayari. Nagmamahal. At napapagod din. Ilan lamang yan sa mga katangiang tinataglay ng ibong ito. Gaya ng pagkakasalarawan ng aking katauhan – malaya ngunit napapaloob sa mga limitasyon, ako rin ay isang taong may sariling nararamdaman, adhikain at pananaw na kung minsa’y nagdudulot ng takot sa aking sarili upang ipakita ang kabuuan ng kanyang tunay na saloobin.

Ina Andolong
Si Ina ay isang estudyante nasa kanyang ikatlong taon sa De La Salle University. Hilig niyang magsulat at magbigay ng kanyang opinion sa bagay-bagay. Para sa kanyang tipo sa musika, hilig niya ang alternative, hiphop, senti.. halos lahat, depende sa kanyang mood. Ngunit ilan sa kanyang mga paborito? Parokya ni Edgar, Orange and Lemons, Alanis Morissette, Jay-Z, Ciara, Ashanti, DMB atbp.
HAPPY_HOUR
ni Bea Tuazon
Ang Oktoberfest, isang pista sa Germany, ay
idinadaos tuwing buwan ng Oktubre. Ngayong nagkasabay ang taunang pagdadalong
ito at ng pagkakaibigan ng bansang Germany at Pilipinas, may mga hinanda ang
dayuhang bansa para sa atin, na gaganapin dito sa Maynila:
• September 30 - October 2: Audi car show at the Rockwell Power Plant
Mall.
• October 1 (
• October 3 (
• October 7 & 8 (
• October 7-9: Porsche car show at the Rockwell Power Plant Mall.
• October 8-15: Art competition and exhibit in the Glorietta Mall,
• October 14 (
• October 15: Golf tournament for the Ambassador's Cup, at Mount
Malarayat Golf & Country Club in Batangas.
• October 16 & 17 (7pm): Jazz by Esther Kaiser, organized by the
Goethe Institut Manila, at the Podium mall in Ortigas Center and then the
Carlos P. Romulo Auditorium in RCBC Plaza, Makati.
• October 19 (1-2.20pm) Rohde & Schwarz presentation at the De La
Salle University's College of Engineering.
• October 21-23: Expo of German products and services in the Glorietta
mall complex,
• October 27: Schering
Information
DALDALAN
ni Bianca Marie Teodoro
Bulaklak. Otso-otso. Ispageti.
Viva Hot Babes. Bayani. Sexbomb Girls.
Pamilyar ang mga kanta at awiting ito dahil lagi itong pinatutugtog sa radio. Kahit saang istasyon yata ay hinahayaang patugtugin ang mga awit na ito dahil ito ang gustong marinig ng mga tao. Gusto? Bakit? Ano ba’ng mayroon dito?
Simple lang ang sagot. Napapaligaya nitong mga kantang ito ang mga tao.
Ang mga novelty song ay isang uri ng musikang naglalaman ng mga biro, at kadalasa’y nakakasayaw ang mga tao sa tempo nito. Pinapasikat ito ng mga mang-aawit na kadalasa’y mabenta sa mga bata, at ang mga bata nama’y lubos na nakakaalam kung paano ito sayawin.
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagharap sa problema ng nakatawa. Hindi na nakakapagtakang kikita talaga ang mga mang-aawit ng novelty songs, lalo pa’t ngayong maraming problema ang ating bansa. Ngunit hindi lamang diyan nagtatapos ang ating problema.
Nabanggit na biro ang laman ng mga
novelty song. Ngunit
Sa inyong palagay, nakakabuti ba ang mga novelty song sa atin, o imbis na makabawas ay dagdag problema pa ang mga ito?
Napakahirap
makipag-usap sa apat na tao sa telepono ng sabay-sabay, mas mahirap kung ang mga
kinakausap mo ay kilala sa isa sa mga pinakainaabangang banda sa taong ito. Ito
ang nangyari sa amin noong nagkaroon kami ng isang phone interview kasama
ng Sponge Cola. Kasama ng kanilang banda si Yael Yuzon, ang kanilang bokalista,
drummer na si Chris Cantada, gitaristang si Armo at bass player Gosh, ang
kanilang album na “Palabas” (isang independent album mula sa Sony Music)
ay ang pinagkakaguluhang banda dahil sa unang paglabas ng kanilang album na sa
Number Two na kaagad sa record charts—pumangalawa sa “Covers” ni Regine
Velasquez. Ang album na ito ay nasa Top 10 sa kasalukuyan at ang
tinuturing na “highest charting album by a Filipino band.”
Samantala, ang kanta nilang “Gemini” ay walang tigil na ipinapatugtog sa iba’t-ibang rock at pop stations. Sa aming pakikinig, ito na nga talaga ang inaabangang banda na sinasabing sagor ng 2005 sa Eraserheads – ang Sponge Cola!

Q: Anong istorya sa pangalan ng banda ninyong “Spongecola”?
A: The original band formed in 2001 was simply called Sponge. But when we checked sa Internet, we found out that another act was already using the name so we just added the Cola because ‘cola’ is easy to remember.
Q: Nagpa-audition pa ba kayo para sa mga band members?
A: No. Sponge then had three other members who left for different reasons. Yung isang member, nag-aral sa U.P. Baguio; the other, nalayuan na sa rehearsal venue namin sa Q.C.; and the third, for personal reason daw. The current line-up was formed one year after Sponge became.
Q: So magkakaibigan kayo lahat bago ninyo binuo ang banda? Anong mga kurso ang kinukuha niyo? Sino ang mga pinapakinggan niyong mga banda at sino mga influences niyo?
A: Two of us knew each other from high school while one of our members was – is – still a member of another band. Course? Iba-iba. May nag Interdisciplinary Studies, Information Design and Literature. Parang influences namin, iba-iba. We listen to The Beatles, Gin Blossoms, Smashing Pumpkins, Silver Chair, Rey Valera, Hanson…
Q: Hanson?
A: Yes. We like Hanson especially their vocal harmonies. If you listen to our album, you’ll notice there’s an attempt to incorporate harmonies sa ibang mga kanta. Duon galing yun. Attempt lang.







